TODO ang suporta ng buong cast ng longest-running gag show ng GMA Network for 23 years, ang “Bubble Gang,” sa kanilang creative director, Michael V, sa opening ng movie na “Family History” na first directorial job nito, at siya rin ang producer, writer at actor ng movie, ng Mic Test Entertainment nila ng wife niyang si Carol Bunagan, at ng GMA Pictures. Katambal ni Bitoy si Ms. Dawn Zulueta.
Sa pangunguna ni Boy 2 Quizon, kasama sina Paolo Contis at Antonio Aquitania, nag-organize sila ng isang block screening para sa movie, na magaganap din kasabay ng opening ng “Family History” sa July 24.
“Tatawagin nating ‘Bubble Gang’ block screening ito kasabay ng opening day ng movie,” sabi ni Boy 2. “Nag-decide kami to show our love and support and at the same time, we feel we are all united and a part of it. Gaganapin namin ito sa Ayala Vertis North. Magiging bonding time naming lahat ito dahil nag-imbita rin kami ng mga icons ng “Bubble Gang,” iyong mga unang gumanap sa gag show.”
Dadalo kaya ang best friend ni Bitoy, si Ogie Alcasid?
Tuwang-tuwa rin si Boy 2 na natupad na rin ni Direk ‘Toy (Bitoy), ang life-long dream nito. Kaya dito, itinuturing nilang part sila ng pelikulang ito. At hangad nila ang malaking tagumpay ng “Family History.”
Kagabi, Tuesday, July 23, nagkaroon ng red carpet premiere night ang “Family History” sa Cinema 3 ng SM Megamall. At ngayong Wednesday, July 24 ang opening ng movie na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB).
GABBI GARCIA BALIK-TRAINING ULIT PARA SA PANG-AKSIYON SERYE
BACK to training na si Gabbi Garcia para sa upcoming action-drama teleserye na “Beautiful Justice” na ididirek ni Mark Reyes for the prime-time block ng GMA 7. Itutuloy na lamang ni Gabbi ang training niya, na sinimulan na niya noong naghahanda siya sa unang project sana niyang gagawin, ang “Rosang Agimat.” Kasama ang target-shooting training ng buong cast, sina Derrick Monasterio, Yasmien Kurdi, Bea Binene, Valeen Montenegro, Bing Loyzaga and Victor Neri.
Magka-love team sa serye sina Gabbi at Derrick na sabi’y gaganap na mga PDEA Agents. Ngayong Wednesday, July 24, magsisimula na silang mag-taping ng “Beautiful Justice.”
ALDEN NANGARAP SUMALI SA MR. POGI PERO INAMING
WALANG PAMASAHE PAPUNTANG STUDIO
NAGSIMULA na ang “Mr. Pogi 2019” contest ng “Eat Bulaga” na akala ng fans, si Alden Richards ang magho-host nito, pero ang isa rin daw Mr. Pogi, si Jose Manalo, ang nag-host at judges naman ang lady dabarkads na sina Maine Mendoza, Luane Dy at Pia Guanio. Nasa barangay pa rin si Alden as the Captain ng “Rush 4 Slippery Stairs.”
Tinanong si Alden ni Maine kung hindi ba siya nag-ambisyon noon na sumali sa Mr. Pogi. Nangarap din daw siya pero wala siyang perang pamasahe papunta ng Broadway studio at wala rin siyang confidence sa sarili.
Sabi ni Pia, puwede na siyang sumali sa “Mr. Pogi 2019” ngayon dahil may pamasahe na siya papunta sa APT Studio, pero tumawa na lamang si Alden dahil hindi naman siya puwedeng sumali.
Limited engagement din lamang ang Mr. Pogi contest para sa 40th anniversary ng “Eat Bulaga,” tulad ng “Little Miss Philippines,” after two weeks ay may nanalo nang “Little Miss Philippines 2019.”
Comments are closed.