BUBUKSAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga karagdagang provincial routes na sumasakop sa Metro Manila ngayong linggo.
Sa isang briefing sa Palasyo, sinabi ni LTFRB chairperson Martin Delgra III na ang mga karagdagang rutang ito ay kinabibilangan ng Davao City at Mabalacat, Pampanga sa Central Luzon.
“In terms of increasing capacity for provincial buses, we will be opening up additional routes this week,” ayon kau Delgra.
“Magpapalabas na po tayo din this week ng another set of inter-regional routes going into Metro Manila coming all the way from Davao City. Aside from that, Mabalacat, Pampanga has already opened up that route,” dagdag pa niya.
Ayon kay Delgra, nakikipag-ugnayan pa ang ahensiya sa ibang local governments upang payagan ang kanilang borders na buksan para sa provincial trips.
Nauna rito ay binuksan ng LTFRB ang 12 modified provincial bus routes para magserbisyo sa mga pasahero na papasok at palabas ng Met-ro Manila, at Regions 3 atb 4-A (CALABARZON).
Hindi bababa sa 286 provincial buses ang pinayagang mag-operate sa naturang mga ruta simula noong Setyembre 30.
Comments are closed.