(Bubusisiin ng Senado)PAG-ANGKAT NG ASUKAL, OVERPRICED LAPTOPS

Senado

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang kontrobersiyal na importasyon ng asukal, ayon kay Sen. Francis Tolentino.

Bukod dito, sisiyasatin din ng Senado ang umano’y overpriced na mga laptop na binili para sa Department of Education (DepEd).

Itinakda ni Tolentino, chaitman ng blue ribbon committee, ang imbestigasyon sa iskandalo sa pag-import ng asukal sa Martes, Agosto 23, habang ang sa overpriced na mga laptop ay sa Huwebes, Agosto 25.

Tatlong pangunahing opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) at ang nagbitiw na sa kanilang mga puwesto, halos isang linggo matapos nilang lagdaan ang isang resolusyon para sa pag-angkat ng asukal na itinuring ng Malacañang na ilegal.

Samantala, sinabi ng DepEd nitong Lunes na humingi na ito ng fraud audit sa pagbili ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) ng umano’y overpriced at outdated na mga laptop para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.

LIZA SORIANO