NAGBUHOS si Giannis Antetokounmpo ng 50 points at 13 rebounds upang pangunahan ang host Milwaukee Bucks sa 135-110 panalo kontra New Orleans Pelicans noong Linggo ng gabi.
Nagdagdag si Jrue Holiday ng 17 points at umiskor si Brook Lopez ng 15 para sa Bucks na naitala ang ika-4 na sunod na panalo. May average sila na 133.3 points sa naturang streak.
Tumipa si Jose Alvarado ng 18, nag-ambag sina Jonas Valanciunas at Trey Murphy III ng tig-16, gumawa si Kira Lewis Jr. ng 15, umiskor si Herbert Jones Jr. ng 11, nagtala si Larry Nance Jr. ng 10 points at 12 rebounds, at nagposte si Devonte’ Graham ng 10 para sa Pelicans, na nalasap ang ika-8 sunod na pagkatalo.
Grizzlies 112, Pacers 100
Sa likod ng ikalawang sunod na triple-double ni Ja Morant, humabol ang Memphis Grizzlies mula sa 12-point deficit sa halftime upang putulin ang season-high five-game losing streak sa 112-100 home win kontra Indiana Pacers.
Nagsalansan si Morant ng 27 points, 15 assists at 10 rebounds para sa kanyang ika-5 triple-double sa season. Nagdagdag si Jaren Jackson Jr. ng 28 points at 8 rebounds para sa Grizzlies.
Naging starter si Ziaire Williams kapalit ni Desmond Bane (knee soreness) at tumipa ng 7 points at 2 rebounds para sa Grizzlies. Nagtala si Brandon Clarke ng 13 points at 2 rebounds na naging starter kapalit ni Steven Adams (sprained knee).
Nag-ambag sina Xavier Tillman (nine points, 11 rebounds), David Roddy (11 points) at Tyus Jones (10 points) mula sa bench para sa Memphis.
Tumirada si Bennedict Mathurin ng team-high 27 points at eight rebounds para sa Indiana. Nakalikom si Aaron Nesmith ng 16 points at five rebounds, habang nagdagdag si Myles Turner ng 15 points at 4 boards.