NAGBUHOS sina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton ng tig-33 points upang tulungan ang Milwaukee Bucks — na nalamangan ng 23 sa first half — na makahabol at gapiin ang Miami Heat, 130-116, noong Huwebes sa NBA restart sa Orlando.
Nagdagdag si Antetokounmpo, nakuha ang kanyang ika-5 foul, may 10:48 ang nalalabi sa fourth, ng game-high 12 rebounds at 4 assists sa loob ng 30 minuto. Nagtala si Middleton ng team-high 8 assists at 6 rebounds sa loob ng 34 minuto.
Nalusutan ng Milwaukee (55-14), may pinakamagandang record sa NBA, ang 17-point halftime deficit upang putulin ang two-game losing streak ay kunin ang top seed sa Eastern Conference.
Naglaro ang Heat na kulang sa tao.
Sa ikalawang sunod na laro, hindi nakasama ng Miami si five-time All-Star wing Jimmy Butler (sore right foot). Inaasahang makababalik si Butler, nangunguna sa Heat sa scoring, assists at steals, sa playoffs.
Naglaro rin ang Miami na wala si point guard Goran Dragic, ang kanilang leading scorer mula sa bench. Na-injure ni Dragic ang kanyang kaliwang ankle sa bandang huli ng panalo ng Miami kontra Boston Celtics noong Martes.
Sa pagkawala nina Butler at Dragic, ang Heat (43-26) ay pinangunahan ni Duncan Robinson na may 21 points.
ROCKETS 113,
LAKERS 97
Tumabo si James Harden ng 39 points upang pangunahan ang Houston Rockets sa panalo laban sa Los Angeles Lakers.
Ang Lakers, na nalasap ang ika-3 kabiguan sa huling 4 games, kabilang ang 105-86 pagkatalo sa Oklahoma City Thunder noong Miyerkoles ay naglaro na wala sina LeBron James (groin) at Alex Caruso (neck), habang wala sa Rockets si Russell Westbrook (quad).
Umiskor si Kyle Kuzma ng 21 points upang pangunahan ang Los Angeles, na nakapagpasok lamang ng 2 sa 19 attempts sa 3-point area (10.5%).
Samantala, naibuslo ng Rockets ang 21 sa 57 mula sa downtown (36.8%).
Nagdagdag si Harden ng 12 assists, 8 rebounds at 3 steals, bukod pa sa 5 3-pointers at 12-of-mula sa free-throw line.
Sa iba pang laro, namayani ang Portland Blazers laban sa Denver Nuggets, 125-115, at pinataob ng Los Angeles Clippers ang Dallas Mavericks, 126-111.
Comments are closed.