BUCKS SAGAME1

Bucks

KUMAMADA si Brook Lopez ng playoff-career-best 29 points at humablot ng 11 rebounds at sumandal ang Milwaukee Bucks sa fourth-quarter surge upang igupo ang bumibisitang Toronto Raptors, 108-100, noong ­Miyerkoles ng gabi sa opening game ng Eastern Conference finals.

Nagdagdag si Giannis Antetokounmpo ng 24 points at 14 rebounds para sa Bucks, na magi­ging host sa Game 2 sa Biyernes.

Gumawa si Malcolm Brogdon ng 15 points mula sa bench para sa Bucks, umiskor si Nikola Mirotic ng 13 points, at tumipa si Khris Middleton ng 11 points at 11 rebounds.

Nanguna si Kawhi Leonard para sa Raptors na may 31 points at 9  rebounds, habang nag-ambag sina Kyle Lowry ng 30 points, Pascal Siakam ng 15 points, at Marc Gasol ng 6 points at 12 rebounds.

Naitala ng Bucks, naghabol ng hanggang 13 points sa first quarter, ang unang walong puntos ng fourth quarter upang umabante ng isa.

Kinuha nila ang three-point lead sa 3-pointer ni Middleton, may 7:50 ang nalalabi, at angat ng lima sa running dunk ni Brogdon, may 6:33 sa orasan.

Naitabla ng Raptors ang laro sa 98-98 sa 3-pointer ni Lowry, may 4:02 ang nalalabi. Dalawang free throws ni Leonard ang nagbigay sa Toronto ng dalawang puntos, may 3:31 ang nalalabi.

Kinuha ng Bucks ang one-point lead sa steal ni Middleton at dunk ni Lopez, at lumamang sila ng apat matapos ang 3-pointer ni Lopez, may 1:55 ang nalalabi.

Naipasok ni Eric Bledsoe ang dalawang free throws upang palobohin ang kalamangan sa anim, may 42 segundo sa orasan, at lumaki pa ito sa walong puntos sa dalawang free throws ni Middleton.

Bumanat ang Raptors ng 16-0 run upang kunin ang 34-23 bentahe matapos ang isang quarter.

Tangan ng Toronto ang 12-point lead sa second quarter bago humabol ang Bucks at tinapyas ang kalamangan sa tatlo sa step-back 17-footer ni Middleton na kumumpleto sa 11-2 run.

Tinapos ni Leonard ang first-half scoring sa pamamagitan ng dunk upang bigyan ang Toronto ng 59-51 bentahe.

Sinimulan ng Bucks ang third quarter sa 8-2 run na nagtapyas sa kalamangan sa dalawa.

Makaraang maibaba ng Bucks ang margin sa isa, nagpakawala ang Raptors ng 9-0 surge, tampok ang dalawang free throws mula kay Leonard, may 6:33 ang nalalabi sa third.

Natapyas ng Bucks ang deficit sa apat sa layup ni Lopez, may 2:07 ang nalalabi sa quarter.

Tinapos ni Siakam ang third period sa pamamagitan ng isang 3-pointer na nagbigay sa Toronto ng 83-76 lead.  Ang Bucks ay 0-for-11 sa 3-point attempts sa naturang quarter, at tumapos sila na 11 of 44 mula sa long range. Naipasok ng Raptors ang 15 sa kanilang 42 3-point tries.

Comments are closed.