BUDGET DEFICIT LUMOBO PA, P59.9-B NOONG OKTUBRE

LALO pang lumaki ang budget deficit ng bansa noong Oktubre makaraang mahigitan ng government spending ang revenues, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr, nagtala ang pamahalaan ng budget shortfall na P59.9 billion  para sa nasabing buwan,  kung saan tumaas ang spending ng 35 percent  habang ang revenues ay lumaki ng 20 percent.

Ang January to October deficit ay lumobo sa P438.1 billion, mas mataas ng  87 percent kumpara sa ka-parehong panahon noong 2017.

“Net of interest payments, primary disbursements from January to October grew 27 percent to P2.501 trillion from last year’s P1.972 trillion,” ayon sa BTR.

Ang tax at non-tax revenues sa unang 10 buwan ay tumaas ng 18 percent mula sa P2.007 trillion noong nakaraang taon sa P2.358 trillion.

“The tax take of the two biggest revenue agencies—the bureaus of Internal Revenue (BIR) and of Cus-toms (BOC), rose 12 per-cent year-on-year to P1.609 trillion and 34 percent to P490.6 billion, respec-tively, at end-October,” dagdag pa ng BTr.

Sa Sulong Pilipinas 2018-Philippine Development Forum, kapwa sinabi nina Budget Secretary Benjamin E. Diokno at Finance Secretary Carlos G. Dominguez III na ang malakas na paggasta sa public goods at services ay patunay na natugunan na ng administrasyong Duterte ang problema sa underspending.