Mga laro ngayon:
Ynares Sports Arena – Pasig
3 p.m. – Terrafirms vs Phoenix
6 p.m. – Blackwater vs Rain or Shine
NALUSUTAN ng ALASKA ang pananalasa ng NorthPort sa fourth quarter na pinangunahan ni Arwind Santos upang maitakas ang 87-85 panalo sa pagsisimula ng PBA Governors’ Cup Miyerkoles sa Ynares Sports Arena.
Nagbuhos si Olu Ashaolu ng double-double na 20 points at 11 rebounds at nagdagdag si Jeron Teng ng 19 points para sa Aces, na ilang beses na lumamang ng 10 puntos sa fourth quarter bago muntik kumulapso sa huli.
“Good thing there was Rob Herndon coming up with a clutch shot and the Batang Pier drawing nothing in their last two thrusts that spelled the big difference in the closely fought match,” wika ni Alaska coach Jeffrey Cariaso.
“In any conference you always want to start off on the right foot, so we’ll take any win we can.
“You try to win early, you try to get early wins as you start to get the timing back, the feel of playing back,” dagdag pa ni Cariaso. “As you can tell there was still a lot of rust so again just happy to pull it off.”
Nasayang ang kinamadang game-high 23 points, 7 rebounds at 4 blocked shots ni Santos sa kanyang maiden game sa koponan na kumuha sa kanya mula sa San Miguel Beer.
Ang dating MVP ay nasa kanyang pinakamainit na laro sa fourth period kung saan nagpasabog siya ng 14 sa kanyang mga puntos, tampok ang tatlong sunod na three pointers, na nagpabalik sa NorthPort mula sa 10-point deficit at dumikit sa 81-83.
Ang kawalan ng koordinasyon ang tila naging pangunahing problema ng NorthPort.
Tinapos ni Greg Slaughter ang sinumulan ni Santos sa pagtuldok sa kanyang 18-point, 11-rebound performance sa pamamagitan ng apat na sunod na puntos na nagbigay sa Batang Pier ng 85-84 kalamangan, may 39 segundo ang nalalabi.
Gayunman, ang kapit sa kalamangan ay tumagal lamang ng siyam na segundo dahil bumanat si Herndon ng fallaway jumper na nagpabalik sa kalamangan ng Alaska.
Nakitang walang paggalaw mula sa kanyang teammates at bagama’t maraming oras pa ang natitira sa shotclock ng Batang Pier, napilitan si Robert Bolick na tumira ng three-pointer na sumablay at ang sumunod niyang foul ay naghatid kay Teng sa charity para sa two-point game, anim na segundo ang nalalabi.
Sa sumunod na tagpo ay tumira si Bolick ng three-pointer na nagmintis din para mabalewala ang 18-point, 14-rebound debut ni import Cameron Forte. CLYDE MARIANO
Iskor:
Alaska (87) – Ashaolu 20, Teng 19, Hernodon 13, Taha 8, Ahanmisi 7, Tratter 6, Tolomia 6, Digregorio 5, Racal 3, Brondial 0.
NorthPort (85) – Santos 23, Forte 18, Slaughter 18, Bolick 8, Rike 5, Taha 2, Elorde 0, Ferrer 0.
QS:19-18, 41-39, 68-60, 87-85