Mga laro sa Miyerkoles:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. – San Miguel vs Blackwater
7 p.m. – Phoenix vs Magnolia
INAPULA ng Alaska ang mainit na paghahabol ng NorthPort sa fourth quarter, sa pangunguna nina Christian Standhardinger at import Michael Qualls, upang maitakas ang 106-99 panalo at mabuhay ang kanilag quarterfinals campaign sa Governors’ Cup kagabi sa Araneta Colsieum.
Nagsanib-puwersa sina Vic Manuel, Simon Enciso, Abu Tratter at rookie Jeron Teng upang pigilin ang pag-aalburoto ng Batang Pier at ibasura ang 37 points at 5 rebounds na kinamada ni Standhardinger tungo sa pagposte ng ikatlong panalo sa siyam na laro.
Nalasap ng Batang Pier ang ika-5 kabiguan sa walong asignatura upang malagay sa balag ng alanganin ang kanilang kampanya.
Sumablay ang NorthPort sa 10 shots, tatlo sa tres at dalawa kay Qualls sa loob ng apat na minuto, na nagselyo sa kapalaran ng tropa ni coach Pido Jarencio.
Tumipa sa Manuel ng 29 points at 9 rebounds at muling itinanghal na ‘Best Player of the Game’.
“Nagtulong-tulong kami dahil gusto naming umangat sa team standings. Masaya ako at nagawa namin,” sabi ni Manuel.
“It’s nice a game. I’m happy for my players. They did just right,” sabi naman ni coach Jeffrey Cariaso.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Alaska (106) – House 23, Manuel 23, Tratter 17, Teng 13, Enciso 8, Casio 7, Racal 6, Thoss 4, Ahanmisi 4, Pascual 1, Ayaay 0.
NorthPort (99) – Standhardinger 37, Qualls 35, Anthony 8, Lanete 8, Casio 7, King 5, Ferrer 3, Taha 2, Elorde 1, Cruz 0, Escoto 0.
QS: 28-29, 53-48, 83-76, 106-99.
Comments are closed.