LUBOS ang suporta ng Manuel V. Pangilinan (MVP) Group of Companies para sa “BIDA Solusyon sa COVID-19” campaign ng Department of Health. (DOH).
Sa kampanyang ito, ang higit kumulang 14 na kompanya at foundations na nasa ilalim ng grupo na nasa iba’t ibang industriya, kabilang na ang utilities, investments, financial services, infrastructure, media at healthcare ay nakikiisa sa gobyerno sa laban ng publiko sa COVID-19.
Kamakailan lang ay nagbigay ng donasyon ang Meralco at PLDT-Smart para sa hospital equipment sa East Avenue Medical Center (EAMC), ang bagong COVID referral center. Dahil dito, umabot na sa 250 ang bed capacity ng EAMC para makatanggap ng mas maraming pasyente ng COVID-19. Ang bagong building ng EAMC ang itinakdang Center for Emerging and Re-emerging Infectious Diseases.
Sa isang virtual na talakayan, nagpahayag ng lubos na pasasalamat si IATF-EID Chief Implementer Sec. Carlito Galvez, Jr. sa grupo sa donasyong ito.
“This is a great service to our people, a quick call to action of the clarion call of the President (Duterte) for the preparation of COVID-19 hospital.”
Pasasalamat din ang hatid ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, “The Quezon City government is eternally grateful to the MVP Group’s generous assistance of high-quality medical equipment to the East Avenue Medical Center. These donations will greatly benefit the people of Quezon City, most particularly the underprivileged and vulnerable. These equipment will help the hospital become more responsive to the needs of our people. It is also a great contribution to our common dream of a higher level of service for all.”
Ang Metro Pacific Hospital Holdings Inc. ay bumuo rin ng COVID crisis management team para masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng healthcare workers nito para patuloy na magbigay serbisyo sa mga Filipino. Tuloy-tuloy ang mga programa ng mga ospital na nasa grupo, kabilang na ang pagdagdag ng hospital beds para sa COVID-19 patients, paghahanap ng suplay ng PPEs at karagdagang staff. Ilan sa mga ospital na nasa grupo ay ang Makati Medical Center, Davao Doctors Hospital, Cardinal Santos Medical Center, Asian Hospital and Medical Center at Our Lady of Lourdes Hospital.
Sa ilalim din ng partnership ng MVP Group at DOH, ang mga physical stores at business centers katulad ng PLDT-Smart stores sa buong bansa, at mga opisina ng Meralco, Bayad Center at Maynilad ay magdi-display ng educational materials tungkol sa BIDA campaign ng DOH.
Ang Light Rail Manila Corp., operator ng LRT-1, ay magpo-promote din ng mga materyal sa higit 100,000 pasahero nito. Samantala, isinusulong naman ng MVP Group ang contactless RFID payment sa toll booths sa mga toll roads na NLEX, CAVITEX at CALAX. Ang PayMaya naman ay nagpu-promote ng cashless transactions sa platform nito para mas maging ligtas ang pagbayad or pag-transfer ng pera para sa consumers, gobyerno, malalaki at maliliit na mga negosyo.
Ang Maynilad naman ay sinigurado ang tuloy-tuloy na water supply sa COVID-19 hospitals at centers, at nangakong kakabitan agad ng water facilities ang mga bagong mega quarantine facilities. Magtatayo rin ang kompanya ng contactless handwash stations na may liquid soap para mas maitaguyod ang proper handwashing.
Nagpaabot ng pasasalamat si DOH Secretary Francisco Duque sa MVP Group, “I’d like to thank MVP Group for substantial support they have been providing DOH in particular in ramping up health system capacities… this is really substantial and crucial in overall objective of the health sector in leading the effort in increasing and enhancing health system capacity.”
Kasunod nito, nanawagan din si Sec. Duque na magkaisa ang gobyerno, private sector at bawat mamamayang Filipino na maging COVID-19 warriors. “Laban ito ng bawat Filipino… Disiplina ang pangunahing pangagangailangan, isa-isip, isalita at isa-puso. Ang BIDA solusyon campaign ay napa-kahalagang behavior change campaign at dito nakasalalay ang tagumpay natin laban sa COVID-19 pandemic.”
Ayon kay Chairman Manuel V. Pangilinan, “The gratitude is ours for giving us a chance to help our government and our people. We are privileged to be part of this initiative and to join you in the frontline in the battle against COVID-19.”
Comments are closed.