PINAG-AARALAN ng Department of Agriculture (DA) ang non-tariff measures sa bigas upang tulungan ang mga mag-sasaka na makayanan ang tumataas na imports.
Ayon kay DA Secretary William Dar, iinspeksiyunin ng ahensiya ang mga daungan at maghihigpit sa requirements para sa pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary clearances na kinakailangan para sa rice shipments.
Nagreklamo ang mga magsasaka na bumagsak ang presyo ng palay sa P7 hanggang P11 kada kilo dahil sa pagbaha ng murang bigas mula sa ibang bansa sa ilalim ng Rice Tariffication Law.
“We have to go through non-tariff measures that would manage the importation of rice kasi marami nang pumasok,” wika ni Dar.
Nag-alok din ang pamahalaan ng pautang sa rice farmers sa pagbagsak ng presyo ng palay sa P7/kilo.
“Makakita kami ng isang bukbok sa bigas i-hold namin, kahit isa lang. That’s how strict we are in implementing the sanitary and phytosanitary measures,” dagdag ng kalihim.
Tiniyak din ni Dar sa mga lokal na magsasaka na hindi aangkat ng bigas ang gobyerno sa panahon ng anihan.
Comments are closed.