MULI na naman na nagbuga ng makapal na abo ang Bulkang Taal kahapon ng umaga.
Sa ulat ni Taal Volcano’s resident volcanologist Paulo Reniva, dakong ala-6 ng umaga nitong Huwebes ay may aktibidad ng nagaganap sa crater ng nasabing bulkan na kung saan ay mas tumindi ang naranasan kahapon ng umaga nang biglang bumuga ng makapal na abo na posibleng dahil sa init ng volcanic materials ay kumulo at gumalaw ito.
Sinabi pa ni Andal na tumaas din ang naitalang bilang ng volcanic quakes na umabot na sa 466 kahapon ng umaga kumpara sa 444 nitong Huwebes.
Gayundin, inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) experts na ang high frequency ng volcanic quakes ay nagpapahiwatig na patuloy na umaangat ang magma.
Nagpalabas din ang PHIVOLCS Taal bulletin kahapon na sa loob ng 24 oras na pagmo-monitor ay inilarawan ang main crater na “weak to moderate emission of white steam-laden plumes 50 to 500 meters high.”
Tumaas din ang Sulfur dioxide (SO2) emission nito ng mula 144 tons noong Huwebes, umabot na sa 224 tons kahapon.
Dahil dito, iginiit ng PHIVOLCS na nananatiling nasa Alert Level 4 pa rin ang Taal Volcano dahil na rin sa pagbuga ng abo na maaring maulit anumang oras o araw.
At kailangan ang “total evacuation” sa lahat ng lugar na malapit sa isla ng Taal Volcano at Pansipit River Valley na kung saan ay naobserbahang kumikilos.
Comments are closed.