BULLS BALIK ANG BANGIS

bulls vs mavericks

TUMABO si Lauri Markkanen ng season-high 29 points at kumalawit ng 10 rebounds at naitala ni Garrett Temple ang 17 sa kanyang season-high 21 points sa first half nang putulin ng bisitang Chicago Bulls ang four-game losing streak sa pamamagitan ng 117-101 pagbasura sa Dallas Mavericks noong Linggo.

Naging sandigan ng Bulls ang bench scoring at ball movement kung saan na-outscore ng kanilang reserves ang Mavericks, 61-22. Bumuslo ang Chi-cago ng 50.6 percent sa likod ng anim na scorers na nagtala ng double figures habang tumapos na may 32 assists laban sa 13 turnovers.

Ang depensa ng Chicago ay nakagawa ng season-best 14 steals upang malusutan ang triple-double ni Dallas’ Luka Doncic, na nagsalansan ng game-high 36 points, 16 rebounds at 15 assists.

KNICKS 105, CELTICS 75

Kapwa nagposte sina Julius Randle at RJ Barrett ng double-doubles nang putulin ng bisitang New York Knicks ang five-game losing streak sa kanilang pinaka-lopsided na panalo sa loob ng halos limang taon, 105-75, kontra Boston Celtics.

Tumapos si Randle na may 20 points at 12 rebounds habang nag-ambag si Barrett ng 19 points at 11 rebounds. Kumamada si Immanuel Quickley ng 17 points at team-high eight assists mula sa bench at nagposte rin sina Obi Toppin (12 points) at Reggie Bullock (11 points) ng double-digits.

Umiskor si Jaylen Brown ng  25 points para sa Celtics at nagdagdag si Marcus Smart ng 10 points. Gumawa si Kemba Walker, nasa kanyang season debut, ng 9 points bago lumabas matapos ang third-quarter collision kay New York’s Nerlens Noel. Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay hindi naka-paglaro si Jayson Tatum dahil sa COVID-19 concerns.

CLIPPERS 129, PACERS 96

Tumipa sina Marcus Morris Sr. at Luke Kennard ng tig-20 points upang pangunahan ang pitong players sa double figures nang dispatsahin ng Los Angeles Clippers ang bisitang Indiana Pacers.

Naipasok ni Morris ang 7 of 11 shots at 4 of 7 mula sa 3-point range, habang kumonekta si Kennard ng 7 sa 12 attempts at 5 sa 8 mula sa 3-point area.

Umiskor din si Paul George ng  20 para sa Clippers, na naglaro na wala sina forward Serge Ibaka (undisclosed illness) at guard Lou Williams (hip).

Tumapos si Kawhi Leonard na may 17 points, 7 rebounds at 5 assists habang nag-ambag si Patrick Beverley ng  11 points, 6 assists at 5 rebounds para sa Los Angeles.

PELICANS 128, KINGS 123

Nagbuhos si Zion Williamson ng 31 points at nagdagdag si Brandon Ingram ng  22 upang pangunahan ang New Orleans Pelicans sa panalo laban sa Sacramento Kings at putulin ang kanilang five-game losing streak.

Kumamada si Eric Bledsoe ng season-high 21 points para sa Pelicans na nanalo sa unang pagkakataon magmula noong Jan. 2 kontra Toronto Raptors.  Ang New Orleans ay 1-2 ngayon sa six-game road trip.

Tumirada si De’Aaron Fox ng  career-high 43 points na may 13 assists para sa Kings, habang nag-ambag si Marvin Bagley III ng 26 points at 10 rebounds kung saan natalo ang Sacramento sa ika-5 pagkakataon sa kanilang huling anim na laro. Ang  Kings ay 2-5 sa kanilang katatapos lamang na stretch ng pitong sunod na home games.

JAZZ 109, NUGGETS

Naitala ng bisitang Utah Jazz ang ika-5 sunod na panalo nang gapiin ang Denver Nuggets.

Nagbida si Jordan Clarkson para sa  Jazz na may team-high 23 points mula sa bench. Tumapos si Donovan Mitchell, may  average na 36.3 points kontra Nuggets sa kanilang seven-game, first-round series noong nakaraang summer, na may 18 points matapos ang masamang simula.

Nagdagdag si Bojan Bogdanovic para sa Utah na may 17 points.

Nag-ambag si Rudy Gobert ng 15 points at 13 rebounds, habang gumawa si Mike Conley ng 14 points at 8 assists, at nagdagdag si Georges Niang ng 11 para sa Utah na nakopo ang ika-7 panalo sa road game.

Comments are closed.