BULOK NA SOFA, REF AT GULONG INANOD NG BAHA

Baha

MAKATI CITY – INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na karamihan sa mga basurang kanilang nakolekta  mula sa Metro Manila pumping stations ay mga sofa, refrigerator at mga gulong matapos ang bagyong “Tisoy”.

Sa pahayag ng MMDA, nasa 304 cubic meters na mga basura na nakuha mula sa Vitas pumping station na siyang pinakamalaki sa Metro Manila ay mula lamang sa dalawang drainage system.

Sa kasalukuyan ay may walong truck ang napuno ng basura na nakolekta ng MMDA mula sa walong pum­ping stations.

Ayon pa sa MMDA hindi lamang sa mga waterways sila kumokelakta ng basura na nagkalat kundi pati na rin sa Aurora Boulevard dahil sa bagyo.

Sa pahayag ng MMDA na kung ang bagyong Tisoy ay mas lalong lumakas at tu­magal pa ay maaring ang mga basurang naanod ng baha ay bumalik sa mga tao lalo na sa may 579 na barangay na madalas bahain dahil malapit ito sa mga river at creeks.

Pahayag pa ng MMDA na karamihan sa mga basurang nakolekta o ‘di kaya ay 80% ay mula sa mga informal settler kung kaya hiniling ng MMDA sa mga ito pati na rin sa mga local government unit na magkaroon ng koordinasyon sa pagkolekta ng mga solid waste. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.