TUWING panahon ng tag-init, tila pasok na sa ating mga isipan na kapag konsumo ng kuryente ang pag-uusapan, tiyak ‘yan… singlinaw ng sikat ng araw…tataas ang singil sa kuryente. Iyan ang nakaukit na sa ating mga isipan. Ang palagi nating naririnig na paliwanag dito ay dahil sa pagtaas ng demand o pangangailangan sa konsumo ng elektrisidad tulad sa paggamit ng aircon, electric fan at kung ano-ano pa ay tataas ang singil sa kuryente.
Pero tila ang lahat ng customers ng Meralco ay nabigla nitong mga nakalipas na araw nang ibalita na magkakaroon ng pagbaba sa singil sa kuryente ngayong buwan. Ito ang unang pagkakataon na bumaba ang presyo ng kuryente ngayong 2018. Nakagugulat na nangyari ito habang nasa kalagitnaan pa tayo ng buwan ng tag-init. At mga katoto, hindi lamang ito basta bumaba, malaki pa ang ibinaba nito sa halagang Php0.54 kada kilowatt hour!
Tulad nga ng sinabi ko, ang matinding init ng temperatura ang nagtutulak sa atin na gumamit ng mga kagamitang malakas sa kuryente gaya ng aircon, blower o cooler, at mga industrial fan. Kaya karaniwan din na tumataas talaga ang bayarin sa kuryente tuwing buwan ng tag-init. Kaysa nga naman manguluntoy tayo o kaya ay ma-heat stroke tayo dahil sa matinding init sa loob ng bahay. Ipinaliwanag din ito ng tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga sa kanilang presscon na itong panahon ay ‘seasonality of consumption’.
Nakagugulat man ang nangyaring pagbaba ng presyo ng kuryente ngayong buwan ng Mayo, siguro naman lahat tayo ay tuwang-tuwa sa magandang balitang ito. Sa katunayan, maganda at prominente ang labas ng balitang ito sa diyaryo, radyo at telebisyon. Sa paliwanag ng Meralco, ang pagbaba ng presyo ng kuryente ngayong buwan mula sa Php10.55 noong buwan ng April na naging Php10.00 ngayong buwan ng Mayo ay bunsod ng pagbabalik operasyon ng ilang planta ng kuryente mula sa scheduled mainte-nance shutdown ng mga ito. Hinatak nito pababa ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Subukan nating ikonekta ito sa basic law ng demand at supply. Kapag bumaba ang presyo ng isang produkto, ibig sabihin ay mataas ang supply nito. Samakatuwid, ang pagbabalik ng operasyon ng nasabing mga planta ang nagbigay-daan sa pagbaba ng presyo ng kuryente sa merkado. Dahil mas maraming planta ang nag-operate, nahigitan nito ang demand sa kuryente. Kapag mas mataas naman ang demand kaysa sa supply, saka nagkakaroon ng pagtaas ng presyo ng isang produkto. Ito ang dahilan kung bakit pataas ang direksiyon ng presyo ng kuryente noong mga nakaraang buwan. May mga planta ng kuryente kasi na naka-shutdown para sa maintenance ng mga ito.
Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo, narito ang presyo ng Meralco na kontra sa uso. Marahil ito rin ang dapat gawin ng ibang mga kompanya para mapababa ang pre-syo ng mga pangunahing bilihin. Kailangang taasan ang supply. Baka ito ang paraan upang la-banan ang napakataas na inflation rate natin ngayon sa bansa.
O, paano yan? Medyo maluwag-luwag na sa aking kalooban na isindi ang aircon sa aking kuwar-to upang magpalamig sa panahon ng tag-init dahil bababa na ang singil sa kuryente ngayong bu-wan. Salamat, Meralco!
Comments are closed.