MASBATE – HINAHANTING na ng pulisya ang namaril sa isang barangay official sa Barangay Cañelas, San Fernando.
Kinilala ang biktima na si Kagawad Erna Cabiles na residente ng naturang lugar.
Mismong ang asawa ng biktima na si Roberto Cabiles ang pumunta sa tanggapan ng pulisya upang i-report ang pamamaril sa biktima.
Nabatid na magtutungo sana si Erna sa ilog sa kanilang barangay kasama ang apo nang lapitan at barilin ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Gayunman, aminado ang pulisya na wala pa silang makitang posibleng motibo sa insidente at kung sino ang gumawa nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.