(Bumilis ang andas, pickpocket ‘di pa rin nasawata) TRASLACION GENERALLY PEACEFUL

traslacion

MAS MABILIS kumpara sa nakalipas na mga taon ang pagusad ng andas o ang karosa na sinakyan ng replika ng Itim ng Nazareno kahapon.

Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, ala-5 ng umaga nang umalis sa Quirino Grandstand ang imahen makaraan ang misa na pina­ngunahan ni Cardinal Luis Tagle.

Pasado alas-2 ng mada­ling araw ay nakita pang nagkortesiya si PNP Chief DG Oscar Albayalde kay Tagle na magiging mapayapa ang Traslacion at kanyang inulit na magiging ligtas ang pangkalahatang Pista ng Itim na Nazareno bago kumagat ang dilim dahil patuloy ang pagsasaayos ng mahigit 7,000 pulis na nagposte sa mga deboto.

Gayunman, hindi naiwasan na mayroon pa ring nanamantala dahil naitala ng Manila Police District ang pagkawala ng wallet at cellphone.

Alas-6:00 ng umaga ay pansamantala ring pinatay ng mga telecom companies ang signal ng cellphone sa lugar para sa kaligtasan ng publiko.

Alas-11:00 ng tanghali ay nag-inspeksyon naman si NCRPO Director Guillermo Eleazar sa mga kalsadang daraanan.

Makaraan ang 12 oras o bago mag-alas-6:00 ng gabi ay nasa gitnang bahagi na ng Castillejo Street.  EUNICE C.

Comments are closed.