MAYNILA – PATAY ang isang lalaki nang barilin sa bunganga ng riding in tandem criminals sa Sta. Ana.
Idineklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital si Rogelio Moraleda, alyas “Nognog”, at naninirahan sa No. 2048 Pasig Line Street.
Sa report ni Insp. Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, naganap ang pamamaril alas-8:02 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Tumutulong ang biktima sa kanyang kamag-anak na si Celita Manzano na maghanap sa apo nito nang daanan ng dalawang suspek saka binaril sa kanang bunganga.
Mabilis namang tumawag ng tulong si Manzano sa opisyal ng barangay saka isinugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival.
Mabilis namang tumakas ang mga hindi nakilalang suspek matapos ang pamamaril. PAUL ROLDAN
Comments are closed.