BINUKSAN na kahapon sa Philippine National Police (PNP) ang Executive Motorcycle Riding Course na itinataguyod ng Highway Patrol Group.
Nanguna sa seremonya si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. kasama ang presidential son na si William Vincent Marcos, 25-anyos na sasailalim din sa pagsasanay.
Ayon kay Azurin, nasa 84 ang unang lalahok sa EMRC ng PNP-HPG at sila ang bubuo ng Class 02-2022 at Class 03-2022 kung saan sakop ng kurso ng pagsasanay sa motorcycle riding ang kaligtasan sa kalsada habang nagmamaneho.
“Majority po ng ituturo ng ating kapulisan ay mga safety feature na karaniwan ay nakaliligtaan po ng naitur sa mga ibang training institutions, so we are assured na kapag natapos po ninyo ang ang training na ito, hindi po kayo natatakot na magmotor kahit saan dahil you will have the competence as well as confidence na kahit saan po ay kayang kaya po ninyong gamitin ang inyong mga big bike,” ani Azurin.
Labing-anim na araw tatakbo ang nasabing kurso kung saan hahasain ang kakayanan ng mga participant sa paggamit ng motorsiklo, iba’t ibang riding techniques at ligtas na responsableng pagmomotorsiklo ang inaasahang matutunan ng 84 participants.
“Let this journey make each one of you more effective and capable in performing your sworn duties while raising the standards of police service to eventually bring back the organization’s self pride and regain the community’s trust and confidence through transparency and accountability,”payo ni Azurin sa mga participants. EUNICE CELARIO