MARAMING motorista na nagbiyahe ng gabi ang sinikatan ng araw sa kalsada ng Metro Manila dahil pawang na-istranded ang mga ito bunsod ng pagbaha.
Sa Espanya sa Maynila, mula sa bahagi ng Quiapo hindi na halos gumalaw ang mga sasakyan dahil hindi makaabante ang mga nasa Espanya bunsod ng tubig-baha.
Isinara naman ang bahagi ng Araneta Avenue mula sa E. Rodriguez patungong Quezon Avenue dahil hindi na ito naging passable sa lahat ng uri ng sasakyan.
Habang ang flyover sa EDSA – Ayala ay pansamantalang isinara sa mga motorista dahil din sa pagbaha.
Isang video pa ng isang lalaki ang kumalat sa social media na makikitang mano-manong sinasalok ang tubig-baha sa Ayala fly-over at itinatapon sa baba para mabawasan ang baha.
Maging ang mga opisyal ng Metro Manila Development Authority ay umaming hindi pangkaraniwan ang pagbaha sa flyover.
Marami ring iba pang kalsada ang binaha sa Makati, Maynila, Quezon City at iba pang lugar sa Metro Manila. AIMEE ANOC
Comments are closed.