BUS AUGMENTATION SA TIGIL-OPS NG PNR SA METRO

INIHAYAG ng Philippine National Railways (PNR) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mahigit 50 bus ang idineploy para sa 25,000 pasahero na apektado sa  tigil-operasyon ng PNR Metro Commuter Line.

Nabatid na ang babaybayin ng mga bus  ay ang mga kalsadang malapit sa mga istasyon ng tren mula sa Tutuban hanggang Alabang.

Ang operasyon ng Metro Commuter ay suspendido ng limang taon na nagsimula noong nakaraang Marso 27 kaugnay sa ginagawang North-South Commuter Railways (NSCR).

Kabilang sa isinasagawang pagbabago sa NSCR ay  mas patataasin ang mga riles pati ang electric-powered nang mga bagong bagon.

Inaasahang kapag natapos na ang proyekto ay magiging dalawang oras na lamang ang biyahe mula Clark,Pampanga hanggang Calamba, Laguna.

Ang mga apektadong empleyado ng PNR ay malilipat naman sa mga istasyon na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon kagaya ng sa Laguna at Naga City.

EVELYN GARCIA