BINALAAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bus companies na hindi magpapatu-pad ng fixed salary sa kanilang mga empleyadong drivers at konduktor.
Ang babala ay ipinalabas ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa harap ng pagpapatupad ng batas sa nagtatapos sa boundary o commission system sa bus drivers at konduktor.
Ayon kay Bello, simula sa Marso 9 ay maituturing nang mga regular na empleyado ang mga bus driver at konduktor.
Ibig sabihin nito, ibabatay na sa minimum wage at probisyon sa overtime ang pagkuwenta ng kanilang sahod.
Sinabi ni Bello na nakapaloob din dito ang security of tenure para sa mga bus driver at mga konduktor.
Kaugnay nito, nakatakdang pulungin ni Bello sa Marso 14 ang bus companies, drivers, mga konduktor kasama na ang mga taga-Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). DWIZ882
Comments are closed.