BUSINESS CONFIDENCE BUMABA SA Q4

BSP

PATULOY na bumaba ang business confidence sa ekonomiya ng Filipinas sa fourth quarter ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ni BSP Department of Economic Statistics head Redentor Paolo Alegre, Jr. na ito ay bunga ng pagtaas ng inflation, pag­hina ng piso, mas mataas na interest rates, mas mababang volume of sales and orders at kawalan ng raw materials supply.

Lumabas sa Business Expectations Survey ng BSP na ang overall confidence index (CI) ng business sector ay bumaba sa 27.2 percent noong Oktubre hanggang Disyembre mula sa 30.1 percent sa third quarter.

Comments are closed.