(Business minded) SAM MILBY TATLO ANG PINATATAKBONG NEGOSYO

sam milby

ISA pala ang Fil-Am Kapamilya actor na si Sam Milby sa naniniwala na hindi forever ang kasikatan ng entra eksenaisang tulad niyang artista. At dahil sa pagiging business minded ay malaking bahagi ng kanyang kinita sa showbiz ay itinayo ni Sam ng German resto na Prost Braumeister na matatagpuan sa The Fort at coffee shop na Third District na nasa Katipunan avenue naman. Kasosyo rito ni Sam ang ilang non-showbiz friends.
This year ay naki­pagsosyo rin si Sam kina Angelica Panganiban at John Prats sa binuo nilang Bright Bulb Productions na nagpo-produce at nagdidirek ng music video at concerts. Samantala, patuloy na napanonood ang actor sa primetime series ng ABS-CBN na “Halik” kasama sina Jericho Rosales, Yam Concepcion, at Yen Santos.

PANGARAP NA MAGING ACTOR NG BUNSONG SI ELREY BINOE, TUTUPARIN NI DOVIE SAN ANDRES

KUNG hindi lang nadenggoy noon ng direk-direktoran si Dovie San Andres ay matagal na sanang natupad ang pangarap niya na maging actress gayundin ang bunsong anak na si Elrey Binoe Lewthwaite. Artistahin talaga itong si Elrey at malaking factor na may dugong foreigner at may taas na 6’3 sa edad na 17.
Sa tatlong magkakapatid ay siya (Elrey) ang pinakamatangkad at siya rin ang may hilig na mag-artista. Idol nito si Robin Padilla kaya may dating siya na mala-Binoe. At pagdating naman sa talent ay marunong kumanta at sumayaw si Elrey at kukuha na rin siya ng acting workshop para once na isabak ng kanyang Mommy Dovie sa showbiz ay ready na siya. At ayon pa kay Dovie ang type daw ng kanyang anak ay maging isang action star kaya nakatakda na niya itong i-enroll sa international martial arts expert na si Jet Kune Do. Ang pagbibidahan at ipo-produce na indie movie ni Dovie ang magsisilbing “baptism of fire” ni Elrey at pareho na silang excited ng kanyang Mommy sa pagsasamahang project na ididirek ni Vic Tiro na iso-shoot na early next year.

Comments are closed.