APRUBADO na sa House Ways and Means panel ang bill na nagpapataw ng 12% Value Added Tax (VAT) sa ilang foreign at local companies na nagkakaloob ng goods and services sa pamamagitan ng digital at electronic platforms.
Ang unnumbered substitute bill ay naglalayong amyendahan ang Section 105-A ng National Internal Revenue kung saan sisingilin ng 12% VAT mula sa kanilang gross receipts ang mga non-resident digital service providers, o iyong may online platform na ginagamit sa pagbili at pagbenta ng mga produkto o serbisyo tulad ng Netflix at Spotify.
Papatawan din ng buwis ang mga third party platflorm gaya ng Lazada at Shopee, gayundin ang mga supplier ng digital services.
Sa ilalim ng bill, ang digital service provider ay inilarawan bilang “an entity which provides digital service or goods to a buyer through an online platform for purposes of buying and selling of goods or services or by making transactions for the provision of digital services on behalf of any person.”
“Iyong malalaking kompanya katulad ng Netflix, nagbebenta sa Filipinas kaya dapat magbayad ng VAT. Pero wala nang income tax kasi we [in the bill] did not require them to have a domicile here,” sabi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, isa sa mga may akda ng panukalang batas.
“Digital service providers from outside [the country] gain profit from our constituents but they don’t pay tax [to Philippine government]. This bill levels the playing field for local digital service providers,” sabi naman ni Deputy Speaker Sharon Garin, isa rin sa may akda ng measure.
Sinabi ni Finance Assistant Secretary Daki Napao na maaaring makalikom ang pamahalaan ng P10 billion na revenue sa nasabing panukala kung saan P9 billion ay magmumula sa foreign companies na nakabase sa Filipinas.
Comments are closed.