BUZZER-BEATER (3-pointer ni Anunoby binitbit ang Raptors sa panalo vs Celtics)

Raptors vs Celtics

NAISALPAK ni OG Anunoby ang isang buzzer-beating three-pointer upang tulungan ang Toronto Raptors na gapiin ang Boston Celtics, 104-103, para sa kanilang unang panalo sa kanilang Eastern Conference semifinals series kahapon.

Pinangunahan ni Kyle Lowry, na nagsagawa ng game-winning assist kay Anunoby mula sa inbounds play, ang defending champions na may 31 points at 8 assists.

“I had confidence in him,” sabi ni Lowry. “We’ll take that win.”

Sa panalo ay tinapyas ng Raptors ang series deficit sa 2-1 at nakaiwas na mahulog sa 0-3 kung saan wala pang NBA team ang nakaahon upang manalo sa post-season series.

“We scrapped and clawed and fought,” wika ni Lowry na kumalawit din ng 6 rebounds. “We never quit.”

Naitala ni Fred VanVleet ang  17 sa kanyang 25 points sa second half at naiposte ni Pascal Siakam ang 14 sa kanyang 16 matapos ang inter-val habang nag-ambag si Anunoby ng 12 points para sa Raptors, na humabol mula sa 57-47 halftime deficit.

Nagbida si Kemba Walker para sa Celtics na may 29 points habang nagdagdag sina Jaylen Brown ng 19 at 12 rebounds at Jayson Tatum ng 15.

“One game at a time,” Lowry said of the Raptors’ mindset as they look to level the series in the NBA’s COVID-19 quarantine bubble in Or-lando, Florida. “Great emotional moment right there (but) that’s over. Now we have to focus on the next game

CLIPPERS 120,

NUGGETS 97

Nagbuhos si Kawhi Leonard ng  29 points nang pataubin ng Los Angeles Clippers ang Denver Nuggets sa Game 1 ng kanilang Western Con-ference semifinals.

Kumonekta si Leonard ng 12 of 16 shots mula sa floor sa 32 minutong paglalaro, kung saan hindi siya ipinasok sa fourth quarter.

Nagdagdag si Paul George ng  19 points at 7 rebounds at gumawa si Marcus Morris Sr. ng 18 points para sa Clippers. Umiskor sina Montrezl Harrell ng 15 points at Lou Williams ng  10.

Tumipa si Nikola Jokic ng 15 points at tumapos si Paul Millsap ng  13 points, 9  rebounds at 3 steals para sa Denver na nakakuha rin ng tig-12 points kina Jamal Murray, Jerami Grant at Monte Morris.

Ang Nuggets ay nakapagpahinga ng isang araw lamang makaraang magwagi sa kanilang seven-game series laban sa Utah Jazz noong Martes.

Nakatakda ang Game 2 sa Sabado (US time).

Comments are closed.