NAITALA ni Giannis Antetokounmpo ang ikatlo pa lamang na triple-double sa playoff history ng Milwaukee Bucks upang tulungan ang kanyang koponan na makumpleto ang four-game sweep sa kanilang Eastern Conference first-round series sa pamamagitan ng 120-103 panalo laban sa host Miami Heat noong Linggo.
Tumapos si Antetokounmpo na may 20 points, 15 assists at 12 rebounds. Ang dalawang naunang Bucks na may playoff triple-doubles ay sina Kareem Abdul-Jabbar noong 1970 (kilala siya bilang Lew Alcindor noong panahong iyon) at Paul Pressey noong 1986.
Umabante ang Milwaukee sa second round ng playoffs at sinibak ang Miami sa unang pagkakataon sa tatlong playoff matchups.
Ang Miami, umabot sa NBA Finals noong nakaraang taon, ay winalis sa unang pagkakataon magmula noong 2007 laban sa Chi-cago Bulls.
Nakakuha rin ang Bucks ng 25 points mula kay Brook Lopez sa 11-for-15 shooting. Kumana si reserve Bryn Forbes ng 22 points, tampok ang pitong 3-pointers, habang nagdagdag si Khris Middleton ng 20 points at 11 rebounds.
Tumipa rin si Miami’s Jimmy Butler ng triple-double na may 12 points, 10 rebounds at 10 assists. Nagdagdag sina Bam Adebayo ng 20 points at 14 rebounds, at Kendrick Nunn ng 18 points.
BLAZERS 115,
NUGGETS 95
Umiskor si Norman Powell ng 29 points at nag-ambag si CJ McCollum ng 21 upang tulungan ang host Portland Trail Blazers sa 115-95 panalo kontra Denver Nuggets sa Game 4 ng kanilang Western Conference first-round series.
Kumamada si Jusuf Nurkic ng 17 points, nakalikom si Damian Lillard ng 10 points at 10 assists at nagbuhos si Carmelo Anthony ng 12 points sa kanyang 37th birthday para sa Trail Blazers na naitabla ang serye sa 2-2.
UTAH 121,
GRIZZLIES 111
Nakumpleto ni Donovan Mitchell ang isang three-point play, may 4:04 ang nalalabi, at nalusutan ng top-seeded Utah Jazz ang late challenge mula sa host Memphis Grizzlies para sa 121-111 panalo sa Game 3 ng kanilang Western Conference first-round playoff series.
Naisalba ni Mitchell ang 10 sa kanyang game-high 29 points sa huling apat na minuto, kung kailan na-outscore ng Jazz ang Grizzlies, 14-2, upang umangat sa 2-1 sa best-of-seven series.
SIXERS 132,
WIZARDS 103
Gumawa si Joel Embiid ng 36 points bago inilabas sa fourth quarter nang pulbusin ng bisitang Philadelphia 76ers ang Washington Wizards, 132-103, sa Game 3 ng kanilang Eastern Conference first-round series.
Ang kabuuang puntos ni Embiid ay isang playoff career high. Ang kanyang naunang best ay 34-point performance sa 128-101 pagkatalo ng Philadelphia sa Boston sa Game 2 ng isang first-round series noong Aug. 19, 2020.
Nakakolekta si Tobias Harris ng 20 points at 13 rebounds para sa 76ers, na bumuslo ng 58.6 percent mula sa floor at 51.5 percent mula sa 3-point range upang kunin ang 3-0 lead sa kanilang best-of-seven series.
Maaaring tapusin ng top-seeded Philadelphia ang eighth-seeded Washington sa Game 4 sa Lunes.
627121 26617Sorry for the huge review, but Im actually loving the new Zune, and hope this, as effectively as the superb reviews some other men and women have written, will support you decide if it is the proper choice for you. 479127
158331 606786really good publish, i really adore this web web site, carry on it 370951
868860 947134Utterly composed subject material , thanks for selective details . 526462
72257 741681baby strollers with high traction rollers need to be significantly safer to use compared to those with plastic wheels- 709066