BYE, BYE, LA SALLE! (UST abante sa finals)

ust

Laro sa Miyerkoles:

(Filoil Flying V Centre)

3:30 p.m. – Ateneo vs FEU (Women Semis)

 

PINAWI ng University of Santo Tomas (UST)  ang 8-year finals drought nang pataubin ang De La Salle University, 25-19, 25-19, 20-25, 23-25, 15-10, sa UAAP Season 81 Final 4 kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nanalasa si rookie sensation Eya Laure sa final stretch upang tulungan ang Tigresses na sibakin ang defending champion La Salle Lady Spikers.

Sa panalo, pinutol ng Tigresses ang decade-long finals appearance streak ng Lady Spikers at napigilan ang kampanya nito para sa makasaysayang 4-peat.

Nanguna si Laure para sa UST na may career-high 25 points mula sa 21 attacks habang nagdagdag si veteran Sisi Rondina ng 17 markers mula sa 14 spikes at 2 aces.

Nagbida naman si freshman standout Jolina Dela Cruz para sa Lady Spikers sa kinamadang 12 points, pawang mula sa attacks.

Makakasagupa ng Tigresses ang magwawagi sa isa pang semifinal series sa pagitan ng No. 1 Ateneo at ng No. 4 Far Eastern University.

Ginulantang ng Lady Tamaraws ang Lady Eagles sa 5 sets noong Sabado para maipuwersa ang do-or-die game sa Miyerkoles.

Comments are closed.