INALISAN ni Naomi Osaka ng pagkakataon si Serena Williams na mapantayan ang record 24th major title sa Australian Open
NAWALAN ng pagkakataon si Serena Williams na pantayan ang record ni Australian Margaret Court na 24 major singles titles makaraang sibakin ni 23-year-old Naomi Osaka sa Australian Open sa Melbourne kahapon.
Naitakas ni Osaka ang 6-3, 6-4 panalo upang umabante sa Australian Open finals sa ikalawang pagkakataon.
Naitala niya ang ika-20 sunod na panalo kung saan huli siyang natalo noong February ng nakaraang taon.
“I don’t know if there’s any little kids out here today, but I was a little kid watching her play,” wika ni Osaka patungkol kay Williams matapos ang panalo.
“Just to be on the court playing against her for me is a dream.”
Niyakap ni Williams, 39, si Osaka matapos ang laban. match. Pagkatapos ay kumaway siya sa crowd habang paalis.
Sa post-match news conference ay tinanong si Williams kung ang kanyang pagkaway ay nangangahulugan ng paalam
“I don’t know. If I ever say farewell, I wouldn’t tell anyone, so,” aniya.
Halatang emotional, umalis si Williams sa news conference matapos ang sumunod na tanong.
Matapos ang news conference, ipinost ni Williams ang mga sumusunod sa Instagram: “Melbourne and my Australian fans- Today was not ideal outcome or performance but it happens… I am so honored to be able to play in front of you all. Your support -your cheers, I only wish I could have done better for you today. I am forever in debt and grateful to each and everyone single one of you. I love you. I love you. I love you. I adore you.”
Comments are closed.