IMINUNGKAHI ni House Committee on Justice Vice-Chairman at AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. ang suspensiyon sa recruitment o pagkuha ng mga bagong kadete ng Philippine Military Academy (PMA).
Reaksiyon ito ng mambabatas kaugnay sa pagkakabunyag sa hindi bababa sa 27 iba pang kaso ng hazing, bukod sa insidente na nagresulta sa pagkasawi ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio, malinaw na mayroong malaking problema sa tinaguriang ‘premiere military school’ ng bansa.
“As things stand now, the PMA cannot assure parents of the safety of their sons and daughters at the academy because the 27 more cases of maltreatment of cadets are clear proof there are systemic, grave, and moral flaws in the PMA,” mariing pahayag ni Garbin.
“Klarong-klaro, mas maliwanag pa sa sikat ng araw na may malaking mali at problema sa loob ng PMA na dapat itama agad ngayon. Huwag ipagpaliban. Gawin ngayon,” giit ng kongresista.
Aniya, sa dahilang tila hindi pa natututo at patuloy na nabibigo ang liderato ng PMA na tuldukan ang hazing, mas mabuting suspendihin na lamang nito sa hindi bababa sa isang taon ang kanilang recruitment.
“Suspend new cadet recruitment for just one year, during which time the AFP must overhaul the PMA of its misguided notion that hazing is necessary to mold good defenders of the people and the Constitution,” ani Garbin.
Dagdag pa niya, ang Judge Advocate General Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang siyang kailangang mamuno sa tinagurian niyang PMA cleansing.
“I believe enforcing military justice and military law includes cleaning up the PMA. Civilian oversight of this cleansing is necessary and this Congress can do on behalf of the parents, families, and friends of PMA cadets,” dugtong ng party-list solon. ROMER BUTUYAN
Comments are closed.