LIGTAS na sa avian influenza (AI) o bird flu ang lalawigan ng Cagayan, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi ng DA na ang deklarasyon sa ilalim ng Memorandum Circular No. 46 ay nilagdaan noong Nobyembre 4, matapos ang mahigit tatlong buwan na mahigpit na monitoring at surveillance sa lalawigan.
Sa nasabing panahon, ang Bureau of Animal Industry (BAI) ay nakakuha ng negative results para sa avian influenza tests sa loob ng 1-kilometer hanggang 7-kilometer surveillance zones.
“It is also our duty to protect the local poultry industry, which creates millions of jobs and generates billions in investments,” pahayag ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa isang statement.
Ang huling kaso ng AI sa lalawigan ay iniulat sa game fowls sa Solana noong Jan. 26, 2023.
Binigyang-diin din ni Tiu Laurel ang pangangailangan na maipagpatuloy ang katatagan ng suplay at kaligtasan ng pagkain sa buong bansa.
“Our goal is to ensure the country has enough supply of food that is not only affordable but safe for public consumption,” aniya.
Ang Cagayan Valley, na nasa kahabaan ng bird migration path, ay kinabibilangan ng mga lalawigan na nagpoprodyus ng poultry products, na bumubuo sa halos 10 percent ng national poultry production.
Ang mga lalawigang ito ay kinabibilangan ng Batanes, Isabel, Nueva Vizcaya, at Quirino. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA