KUMPIYANSA si Barangay Ginebra coach Tim Cone na may ibubuga pa si Mark Caguioa bagama’t ang dating PBA Most Valuable Player ay nasa bingit na ng kanyang 19th season sa liga.
Si Caguioa ay pumirma ng one-year deal upang manatili sa Gin Kings matapos ang kanilang tagumpay sa 2019 PBA Governors’ Cup sa kabila na may average lamang na mahigit pitong minuto kada laro para sa koponan noong nakaraang season.
Ang PBA MVP noong 2012 ay may average lamang din na 2.7 points at 1.3 rebounds sa 24 appearances noong nakaraang season.
“He still wants to play,” wika ni Cone patungkol kay Caguioa sa “Coaches Unfiltered” podcast.
“I can see him play for another year or two at least, I really could,” dagdag ni Cone. “I mean, he takes great care of his body, he’s still athletic, one of the more athletic guys in our team.”
Nasa edad 40, si Caguioa ay kalimitang naglalaro bilang reserve para sa Gin Kings, bagama’t nananatili siya bilang isa sa mga lider ng koponan. Sa kaagahan ng taon ay binigyang-diin niya na maganda pa ang kanyang pakiramdam at wala pa sa isip niya ang pagreretiro.
“If I can’t help the team out anymore, if my body can’t do it anymore, then maybe it would be time to retire, you know,” ani Caguioa.
“Right now, my body’s feeling okay. I can still help the team,” dagdag pa niya.
Comments are closed.