CALABARZON KILLING INIIMBESTIGAHAN

Spokesperson Harry Roque

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Justice ang pagkasawi ng siyam na umano’y mga aktibista sa Cavite, Laguna,Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) noong Linggo sa magkasanib na raid na isinagawa ng militar at pulisya upang magsilbi ng search warrant para sa loose firearms at illegal possession of explosives.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman  Harry Roque, na nagsabing obligasyon ng estado na imbestigahan ang mga ganitong insidente, at papanagutin ang mga mapapatunayang nagkasala.

Ayon kay Roque, bumuo na ng inter agency task force si Justice Secretary Menardo Guevarra upang imbestigahan ang malagim na insidente. Kasabay nito ay umapela si Roque na huwag iugnay ang nabanggit na insidente ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang mga armadong rebelde.

Una nang kinondena ng iba’tibang grupo partikular ang mga militante at maging ang Commission on Human Rights ang malagim na Calabarzon killing.

Sa hiwalay na press conference, iginiit ni PNP Chief Gen Debold Sinas na lehitimo ang kanilang operasyon at katunayan ay mayroong inilabas na search warrants ang korte makaraang makapagpresinta ng mga kaukulang dokumentasyon.

Ayon kay Roque, hindi sakop ng International Humanitarian Law (IHL) ang pagkasawi ng mga aktibistang ito, lalo’t wala namang hawak na armas ang mga ito.

“Sa batas na umiiral under International Humanitarian Law, kapag mayroon kang sandata at ikaw ay kabahagi ng labanan puwede kang pumatay at pupuwede ka ring mapatay. Kaya nga po ginagawa ang lahat ng gobyerno para matigil na itong labanan nang sa ganoon wala nang Pilipino na napapatay ng kapwa Pilipino” giit ni Roque.

“We have a law prevailing whenever there is fighting, and this is the law prevailing in the war between the government and the CPP (Communist Party of the Philippines)-NPA. And because there is war that is going on, killing is not prohibited,” sabi pa ni Roque.

“So, under the IHL, the President’s order – kill, kill, kill – is correct because there is an ongoing fight. If your enemy has gun and you can be killed, of course, you won’t wait that you’d be the one shot and killed,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni Roque, cardinal principle sa IHL na dapat ay palaging mayroong distinction kung sino ang mga armadong rebelde at sino ang mga sibilyan.

Base sa ulat ng pulisya sa nabanggit na operasyon, 1 ang napatay sa Cavite, 2 sa Batangas at anim naman sa Rizal at 6 na iba pa ang inaresto. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.