CALOOCAN NAGSELEBRA SA ARAW NG KALAYAAN

Independence Day

IPINAGDIWANG ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang ika-121 Araw ng Kalayaan sa pangunguna ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin at Mayor Oscar Malapitan na ginanap sa monumento ni Gat. Andres Bonifacio sa Caloocan City.

Kasama sa mga sumaksi sa pagdiriwang sina Vice Mayor Maca­rio Asistio, Cong. Along Malapitan, Congressman Egay Erice, mga konsehal ng lungsod, mga kapulisan, mga bombero at mga em­pleyado ng lungsod.

Hinimok ni Bersamin ang sambayanan na magkaisa at mag-ambag para sa ikauunlad ng bansa at pahalagahan ang nakamit na kalayaan.

“Huwag nating ugaliing umasa sa tulong ng mga dayuhan sa paglutas ng ating mga hamon at maging masikap”, pahayag ni Bersamin.

Kasabay nito, isinagawa ang blood letting at medical mission sa Caloocan City Medical Center bilang pasasalamat ng alkalde sa mamamayan ng Caloocan at pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Oca Malapitan. VICK TANES