APAT na buwan na lamang bago ang halalan at patuloy pa rin ang pangunguna ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lahat ng survey maging lokal man o sa pambansa.
At sa huling survey na isinagawa sa Caloocan City, sigurado na rin ang panalo ni Bongbong kung ngayon gaganapin ang halalan matapos siyang makakuha ng 71 % preference vote.
Ito ang lumilitaw sa pinakabagong survey na isinagawa ng private polling firm na Actual and Comprehensive Evaluators, Inc. at ang running-mate niyang si Inday Sara Duterte ng Lakas-CMD ay may 49 percent vote mula sa 5,164 respondents.
Malayong nakabuntot kay Marcos sina Leni Robredo at Isko Moreno na parehong nakakuha lamang ng 10 percent, samantalang si Ping Lacson ay may five percent at si Manny Pacquiao naman ay may two percent.
Ang naitalang ‘undecided’ ay two percent sa survey na isinagawa nito lamang nakalipas na Enero 6-10, taong kasalukuyan.
Kung may 49 percent si Duterte sa pagka-bise presidente, si Tito Sotto ay may 34 percent, Willie Ong ay nine percent, Kiko Pangilinan, four percent at three percent naman ang undecided.
Ang Caloocan na may 1.7 milyong populasyon ay kilalang balwarte ng mga Marcos.
Ang District 1 nito kung saan nandun ang Bukid Area ay nakapagpatala ng 74 percent para kay Marcos at 71 percent naman ang nakuhang boto nito sa bagong tatag na District 3.
Dinomina rin ni Marcos ang tinaguriang ‘commercial hubs’ na District 2 ng lungsod nang makakuha ng 67 percent kumpara sa malayong 13 percent ni Robredo at 11 percent ni Moreno.
Sa kabilang dako, si Duterte ay wagi rin sa District 1 at 3 na may 53 percent at 52 percent na approval ratings, ayon sa pagkasunud-sunod; at 44 percent naman ang nakuha niya sa District 2 kung saan ay pumangalawa si Sotto na may 38 percent at 11 percent si Ong.
Sa mayoralty race, run-away winner si District 1 Rep. Dale ‘Along’ Malapitan na may 65 percent, laban sa katunggaling si District 2 Rep. Egay Erice na may 32 percent.
Ang running-mate ni Along sa pagka-vice mayor na si Karina Teh ay nakakuha ng 60 percent habang malayo ang kalaban nitong si PJ Malonzo na mayroon ding 32 percent.
Nangingibabaw ding manalo bilang kinatawan ng 1st District si Mayor Oca Malapitan na may 80 percent votes, kumpara sa kalabang si Alou Nubla na mayroon lamang na 20 percent.
Si Vice-Mayor Maca Asistio, na isang die-hard Marcos supporter at tumatakbo ngayon sa pagka-kongresista sa 2nd District ay may ‘double digit lead’ naman sa kapwa kandidatong si Obet Samson.