ISANG beteranong aquatics technical official mula sa Japan ang mangangasiwa sa pagsasagawa ng four-day trials para sa pagpili sa mga miyembro ng national team sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games.
Ayon sa mga miyembro ng Stabilization Committee na naatasang hawakan ang aquatics sa bansa, pangangasiwaan ni Kazumi Eguchi ang trials na nakatakda sa February 16-19 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.
Ang resume ni Eguchi ay kinabibilangan ng kanyang officiating responsibilities sa London 2012 Olympics, Romne 2009 at Barcelona 2013 world championships, Jakarta 2018 Asian Games at maraming Asian at Asian age group championships.
Gumanap din siya ng mahalagang papel sa Tokyo Organizing Committee ng Olympic at Paralympic Games noong 2021.
Ayon kay Valeriano “Bones” Floro, Stabilization Committee member at siya ring deputy secretary general for international affairs ng Philippine Olympic Committee (POC), ang appointment ni Eguchiu ay inayos ng Asian Swimming Federation,
Ang Stabilization Committee, binubuo rin nina POC legal head Atty. Wharton Chan at Bases Conversion and Development Authority Senior Vice President for Corporate Services Group Arrey Perez, na tumatayong technical director ng qualifiers— ay may nakaprogramang 34 events sa swimming bukod sa men at women water polo teams at athletes para sa individual 3-meter springboard and platform para sa men at women sa diving.
Maaaring magpatala at magpaabot ng mga katanungan sa official email address [email protected]. Ang technical handbook para sa trials ay maaaring i-requested sa pamamagitan ng email.
Ang deadline para sa registration ay sa February 14.
Ang swimming events para sa men at women ay 50, 100, 200, 200, 800 at 1,500 meters para sa freestyle; 50, 100 at 200 meters butterfly, backstroke at breaststroke; at 200 at 400 individual medley.
Gaganapin ang Cambodia SEA Games sa May 5-17.