CAMP AGUINALDO NAIS GAWING CAMP GEN. LUNA

CAMP AGUINALDO

NAIS papalitan ng isang kongresista ang  pangalan ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na Camp General Emilio Aguinaldo sa Camp Ge­neral Antonio Luna.

Sa  kanyang House bill 4047, target ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na amiyendahan ang Republic Act No. 4434 kung saan naipasa ito noong 1965 na pinalitan ang pangalan ng Camp Frank Murphy tungo sa Camp General Emilio Aguinaldo.

Giit ni Pimentel na  ang pagpapalit ng pa­ngalan ay napapanahon  sa  paggunita sa National Heroes’ Day ngayong araw.

Sa pagsasalarawan ng mga historian, si Luna ang pinakamatalino at pinakamagaling na Filipino general noong Philippine-American war.

Nagsilbing chief of staff ng Philippine Revolutionary  si General Luna sa loob ng 134 na araw sa Philippine-American war hanggang sa araw ng kaniyang brutal assassination noong Hunyo 5 1899.

Comments are closed.