CAMPAIGN PERIOD ARANGKADA NA!

TATLONG  buwan bago ang halalan sa Mayo 9, umarangkada na ang kampanya ng mga kakandidato sa national positions sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), binuksan ang campaign period para sa mga kakandidato sa pagka-presidente, bise presidente, senador at party-list groups sa Pebrero  8 hanggang Mayo 7.

Dinumog ng libo-libong tagasuporta ang proclamation rally nina Uniteam presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., running-mate na si Inday Sara Duterte at senatorial bets  nila sa Philippine Arena sa Bulacan.

Nagkasa naman ng campaign kickoff sina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan, kasama ang walo sa kanilang senatorial slate, sa Angat Buhay Village sa Lupi, Camarines Sur.

Dumalo si Aksyon Demokratiko Presidential bet Isko Moreno Domagoso sa isang misa sa Sto. Niño de Tondo Parish bago dumiresto sa grand motorcade sa Maynila, kasama ang runningmate na si Dr. Willie Ong.

Bago umarangkada ang motorcade, dumalo rin si senatorial aspirant JV Ejercito ng misa, kasama ang kanyang pamilya at mga tagasuporta, sa Pinaglabanan Church sa San Juan City.

Nagsagawa rin ng proclamation ang Lacson-Sotto tandem, Leody de Guzman, Robredo-Pangilinan tandem.

Magsisimula naman ang kampanya para sa local posts sa Marso 25. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM