PINAGLALABAS ni Social Services Committee Chairman Alfred Vargas ang Department of Health (DOH) ng guidelines para ma-avail agad ang Cancer Assistance Fund ng mga mahihirap na kababayang maysakit na cancer.
Sa ipinadalang liham ng kongresista kay Health Secretary Francisco Duque III, hiniling nito na bigyan na ng access sa P620 Million na cancer fund ang mga pasyente para sa tuloy-tuloy na gamutan.
Ayon pa kay Vargas, mayakda ng National Integrated Cancer Control Act, malaki ang maitutulong ng maagang paglalabas ng mga alituntunin para sa mabilis na pagkuha ng mga cancer patients ng benepisyo, hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati sa kanilang mga pamilya.
Giit ng kongresista, marapat lamang na magamit na ng mga pasyente ang pondo dahil ang pandemya ay naging dagdag pahirap na sa mga cancer patient bukod pa sa vulnerable rin sila na mahawaan ng COVID-19.
Nauna nang kinuwestyon ni Vargas noong October 2020 ang status ng guidelines ng DOH sa pag-avail ng pondo kung saan pansamantala munang inirefer ang mga cancer patients sa Medical Assistance to Indigent Patients para sa kinakailangang tulong pinansyal.
Sa tugon naman ng ahensiya kaugnay sa ipinadalang liham ng kongresista, inihayag ng DOH na kasalukuyan na nilang inaayos ang administrative order para sa paggamit ng pondo. CONDE BATAC
989083 229096Gnarly post mate, keep the very good function, just shared this with ma friendz 440539
690722 917433Hey there. I want to to inquire somethingis this a wordpress weblog as we are thinking about shifting over to WP. Also did you make this theme on your own? Thanks. 591705