NAKU, masamang balita para sa PBA fans. Baka matagalan pa ang pagbabalik ng mga laro. Napagkasunduan ng PBA Board of Governors na hintayin na lang ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 bago ipagpatuloy ang mga laro.
Sa kasalukuyan ay lalo pang tumataas ang mga kaso. Hindi na rin pinapayagan ng IATF ang bubble game at maglaro sa labas ng NCR ang PBA hanggang dumarami ang mga kaso.
Lalo na ngayon na halos lahat yata ng players ay tinamaan ng virus. Isa umano ito sa mga dahilan kung kaya pinipigilan ng professional league na matuloy ang laro.
Get well sa mga player na tinamaan ng COVID-19.
vvv
Gaano kaya katotoo na itong si Prince Caperal ay planong i-trade ng Brgy Ginebra? Dismayado nga ba ang Gin Kings sa performance ng player dahil sa pagiging mabagal kumilos sa hardcourt.
Pero in fairness kay Caperal, mahusay siyang maglaro, matapang. Ang problema kasi ay shoot nang shoot sa three-point area na madalas sablay. Ang player ay hindi babato ng bola kung walang ‘go signal’ ang coach.
Balita namin ay interesado ang NLEX Road Warriors at ang TNT Tropang Giga kay Caperal..
vvv
Baka bago bumalik ang mga laro ng PBA ay makahabol itong si Stanley Pringle ng Brgy Ginebra. Alam ng lahat na sumailalim sa knee operation itong si Pringle. Magandang balita ito para sa fans ng Ginebra.
Kahit pa nakuha na ng team si John Pinto ay malaking bagay si Stanley. Hindi naman agad- agad na mailalabas ng Fil-Am player ang kanyang 100% na laro sakaling makabalik ito.
Kaya kailangan nila ang kalibre ni Pinto. Natapos na ang kontrata ng player sa Meralco Bolts. Dahil nasa unrestricted fee agent ang player ay mas pinili niyang makapaglaro sa Ginebra. Gustong maging instant sikat.