NEGATIBO na sa coronavirus disease o COVID-19 si dating Manila Archbishop at ngayon ay prefect ng Vatican’s Congregation for the Evangelization of Peoples Cardinal Luis Antonio Tagle.
Iniulat ni Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma na isang malaking kagalakan sa buong Simbahan ang paggaling ni Tagle.
“God wants him to continue serving in the Vatican’s office for the Missions, to bring God’s Good News of love, joy, peace, justice, forgiveness and reconciliation — all of which the world needs in a special way these days,” pahayag ni Gaston.
“The Collegio Filippino in Rome has witnessed his hard work, dedication and prayers. We wish him all the best in his short visit to the Philippines, to rest a bit and be with his family back home.”
Nitong Setyembre 11 ay nagpositibo si Tagle sa virus pagdating niya sa Manila mula sa Roma. Ang cardinal, na nananatili sa Vatican bilang bahagi ng Roman Curia o pope’s Cabinet simula Pebrero ng kasalukuyang taon, ay umuwi ng Filipinas para sa late summer break at upang bisitahin na rin ang kanyang mga mga gulang.
Si Tagle ang unang head ng Vatican dicastery na nagpositibo sa COVID-19.
Siya rin ang ikalimang Filipino bishop na nahawahan nito.
Comments are closed.