CARETAKER NIYARI SA HARAP NG LIVE-INPARTNER

baril

MALABON CITY – PATAY ang isang 53-anyos na caretaker ng pumping station matapos pagbabarilin ng kapitbahay sa harap ng kanyang live-in partner sa lungsod na ito.

Si Enrique Al­dezo ng Palmario Pilapil St., Brgy. Tonsuya ay dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa katawan habang hinahanting na ng mga tauhan ni Malabon Police Community Precinct (PCP) 8 chief P/Lt. Andres Victoriano ang suspek na si Louie La­cuesta, nasa hustong gulang na mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa Sanciangco Street.

Batay sa ulat, bago ang insidente ay inimbitahan ang biktima ng kanyang mga kaibigan na mag-inuman sa kahabaan ng C. Perez St.

Bandang alas-4:40 ng hapon, sinundo ang biktima ng kanyang live-in partner na si Leo­narda Policar, 44, at habang pauwi ay hinarang ang mga ito ng suspek at pinagbabaril sa katawan si Aldezo.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, patuloy ang kanilang imbestigasyon para matukoy ang motibo sa insidente. EVELYN GARCIA

Comments are closed.