CARGO VAN SUMALPOK SA SUV: 9 SUGATAN

aksidente

NUEVA VIZCAYAS-SIYAM katao ang sugatan kabilang ang dalawang bata matapos mawalan ng preno ang isang Cargo Van at sumalpok sa kasalubong na isang SUV sa pababang bahagi  ng Sitio Bimangko, Antutot, Kasibu ng nasabing lalawigan.

Kinilala ang mga sugatan sa SUV, ang mag-asawang Lito Saranillas at Rachel Saranillas, Jocelyn Somera, Edna Pontillas,Em Villarusis, dalawang bata na sina Auvrey Jane Somera at Owynsclyt Saranillas na pawang magkakamag-anak at residente ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Samantalang, ang dalawa na lulan ng Cargo Van ay si Sanchez Arrogante, driver at ang pahinanteng si Elvis Taguinod na kapwa  residente ng Maynila na galos lang ang tinamo sugat sa katawan.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Carl Binuag ng Kasibu Police Station, habang binabagtas ni Arrogante sa pababang bahagi ng daan sa Sitio Bimangko, biglang nawalan ng preso ang cargo van kaya’t nagdesisyon itong ibangga na lang sa gilid ng bundok nang mahagip naman nito ang papaakyat na SUV na ikinasugat ng mga biktima.

Ipinaliwanag ng mga suspek na nasa kondisyon naman umano ang kanilang sasakyan subalit, inamin nito na hindi niya kabisado at hindi pamilyar sa kanya ang dinadaanan.

Pinag-aaralan pa kung sasampahan ng kaso ang driver ng cargo van gayundin ang lulan ng SUV dahil sa overloading at paglabag sa social distancing. IRENE GONZALES

Comments are closed.