CARGOES, DELIVERY TRUCKS NG MGA PAGKAIN, ‘WAG HARANGIN –DILG

truck

QUEZON CITY – NAGPAALALA si Interior Secretary Eduardo Año sa lahat ng local government units na huwag harangin sa kanilang mga hurisdiksyon ang mga cargo, delivery trucks dahil taliwas ito sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).

Sa press briefing ng task force, sinabi ni Año na ang ganitong kani-kanyang pagharang ang dahilan ng mga pagkaka-stranded ng mga cargo na nagdadala ng mga supply ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mamamayan.

Ayon pa kay Año, maging ang kanselasyon ng mga flights sa mga airports na nasa probinsya ay wala sa hurisdiksyon ng LGUs.

Inihayag pa ng DILG chief na lahat ng mga overseas Filipino workers at maging mga foreign national na gustong bumiyahe palabas ng bansa ay dapat padaanin kung dadaan sila sa hurisdiksyon ng  LGUs.

Kasunod nito,  iniutos ng kalihim sa mga awtoridad na nagmamando sa mga checkpoint na padaanin ang mga miyembro ng media na may company ID at hayaang makapunta sa kanilang opisina o coverage. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.