CARITAS MANILA MAGKAKALOOB NG P1-M CASH AID PARA SA MGA MASASALANTA NG BAGYONG ROLLY

Anton CT Pascual

NAKATAKDANG magkaloob ng P1 milyong cash aid ang Caritas Manila para sa mga pangangailangan ng mga mamamayang masasalanta ng bagyong Rolly.

Ayon kay Radyo Veritas President, Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, na siyang social arm ng Archdiocese of Manila, ang naturang inisyal na cash aid ay ipagkakaloob para sa mga Arkidiyosesis at Diyosesis na lubhang apektado ng bagyong Rolly.

Maglalabas  ang Caritas Manila ng tig-P200,000 sa Archdiocese of Nueva Caceres, Diocese of Daet, Diocese of Gumaca, Diocese of Virac at Diocese of Legazpi.

Maaaring magamit ng mga ito ang naturang cash aid sa kagyat na tulong sa mga apektadong mamamayan.

Tiniyak naman ni Pascual na ang naturang cash aid ay bukod pa sa inihahandang relief goods ng Caritas Manila para sa mga naapektuhang residente.

Kaugnay nito, dalangin din ng pari ang kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyo. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.