Carlos Alferez Castro: from billboard painter to true-blue artist

Jayzl Villafania Nebre

LAKING  Mindanao si Carlos Alferez Castro, na ngayon ay 75 years old na. Sa Mindanao niya natutuhan ang pagpipinta, nang magtrabaho siya sa mga sinehan billang tagaguhit sa billboard.

Nagkaroon din naman siya ng pagkakataong makapag-aral sa University of the East, kung saan kumuha siya ng kursong Fine Arts, ngunit hindi siya pinalad na makatapos. Sa halip, nagtrabaho siyang artist sa Maynila.

Nang siya ay magretiro sa pagtatrabaho aysSinikap niyang makabuo ng mga paintings, at heto nga, naging matagumpay ang kanyang exhibit sa iba’t ibang gallery. Naniniwala siyang hindi niya agagawa ang lahat ng ito kung hindi siya tinulungan ng Diyos.