TATANGGAP ang mga magsasaka at mangingisda sa La Union na apektado ng El Nino phenomenon ng P8,000 hanggang P10,000 mula sa lokal na pamahalaan nito.
Inianunsyo ito ni La Union Governer Raphaelle Veronica Ortega-David. “Our agenda to promote the welfare of our agricultural workers is aligned with the province’s vision to become the Heart of Agri-Tourism in Northern Luzon by 2025,” ayon kay Ortega-David.
Ito aniya ay sang’ ayon sa provision ng cash assistance na maaaring ipamigay sa mga magsasaka at mangingisa na maaapektuhan ng mga pinsala sa agrikultura, na nakasaad sa Provincial Ordinance No. 425-2023.
Ang naturang provincial ordinance ay naipasa ng July 28, 2023 na ang layunin ay tulungang makabangon ang mga magsasaka at mangingisda sa pagkakalugmok bunga ng mga kalamidad tulad ng kasalukuyang nararanasan ng bansa sa El Niño phenomenon.
Ang naturang ordinansa na tinaguriang “Agricultural Emergency Trust Fund” ay may itinakdang P3 million na alokasyon para sa 300 margsasaka na maapektuhan ng mga kalamidad.
“The ordinance’s implementing rules and regulations were recently approved, and hence we are now ready to implement it and provide timely assistance to affected agricultural workers,” ang sabi naman ni officer-in-charge Provincial Agriculturist Sharon Viloria.
Upang mapabilang sa mabibigyan ng cash assistance, kailangang magpadala ng application letter ang mga apektadong farmers o fisherfolks kasama ng duly accomplished application form sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAG).
“The applications shall then be endorsed to the respective city or municipal agriculture office which will facilitate the validation of the reported damage to assess actual cost and losses,” sabi ni Viloria.
Paalala ni Viloria, dapat ay kasapi ng accredited farmer o fisherfolks cooperative ang magiging benpisyaryo ng naturang cash assistance bilang bahagi ng provision ng naturang emergency trust fund.
Noong Enero 19,nilagdaan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 53 upang ma-streamline, reactivate, mare-constitute at muling mapagana ang dating old El Niño task forces sa ilalim ng EO No. 16 (s. 2001) and Memorandum Order No. 38 (s. 2019). Sa ilalim ng EO No. 53, inatasan ni Marcos ang task force na magsulong at magsagawa ng comprehensive disaster preparedness at rehabilitation plan para sa mga El apektado ng El Niño at La Niña.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia