CASH BONUSES SA CAMBODIA SEAG MEDALISTS

Carlo Yulo

SI Carlos Yulo ang tatanggap ng pinakamalaking cash bonus sa pagwawagi ng dalawang gold at dalawang silver medals sa men’s gymnastics sa katatapos na Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa ilalim ng Athletes’ Incentive Trust Fund ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ayon kay POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, kabuuang P12.40 million na bonuses ang ipamamahagi sa 260 athletes na nagwagi ng medalys —58 golds, 85 silvers at 117 bronzes— sa Cambodia.

Sa kabuuang bonus, P7.2 million ay nagmula sa Manuel V. Pangilinan Sports Foundation (MVPSF) at P5.2 million sa POC funds.

“The athletes, particularly the medalists, deserve the reward and the POC will always be diligent on that,” sabi ni Tolentino, ang unang POC president na nagpasimula ng trust fund para sa incentives sa mga atleta na magwawagi ng medalya sa international competitions.

Sa ilalim ng incentive program ng POC, P100,000 ang matatanggap ng isang individual gold medalist, P50 sa doubles at relay teams at P30 sa team; P50,000 sa silver medalist, P30,000 sa doubles at P20,000 para sa relay; at P30,000 sa individual silver medalist at P10,000 para sa doubles at relay.

“The amount is from the generosity of MVPSF, Manny V. Pangilinan, through the efforts of [president] Al Panlilio,” sabi ni Tolentino.

Si Pangilinan ang chairman ng board of trustees ng MVPSF, na pinamumunuan ni Panlilio, na siya ring POC first vice president.

Ang POC bonuses ay hiwalay sa government incentives na ipinagkakaloob sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission sa medalist athletes sa ilalim ng Republic Act 10699 o ang National athletes and coaches Benefits and incentives Act.

Sa ilalim ng government incentives act, ang gold sa SEA Games ay nagkakahalaga ng P300,000, silver ay P150,000 at bronze, P60,000.

Si Yulo ay nagwagi ng gold medals sa men’s all-around at parallel bars at silvers sa rings at sa men’s team all-around para sa kabuuang 4 medals, habang si Jasmine Alkhaldi ang nagwagi ng pinakamaraming medalya na may anim — 3 silvers at 3 bronzes.