CASH GIFT SA SENIORS MAY EDAD 85, 90 AT 95

Senior Citizens

APRUBADO na sa House Special Committee on Senior Citizens ang panukala na magkakaloob ng cash gift sa mga senior citizen na may edad 85, 90 at 95.

Layunin ng panukala na maibalik sa mga senior citizen ang tulong na naibigay sa komunidad at sa mga matatanda na hindi nakatatanggap ng pensiyon.

Inaamyendahan ng panukala ang Section 2 ng ‘Centenarians Act of 2016’ kung saan ang mga senior citizen na may edad 85, 90 at 95 ay mabibigyan na ng cash gift.

Sa ilalim ng panukala, ang mga senior citizen na may edad 85 ay makatatanggap  ng P25,000 ang mga 90 taong gulang ay mabibigyan din ng P25,000 at ang mga senior na may edad 95 ay tatanggap naman ng P50,000 cash gift.

Awtomatiko naman na makatatanggap ng P100,000 ang mga centenarian o may edad 100 kala­kip ng plaque o liham ng pagkilala mula sa pamahalaan.

Sakop ng panukala ang mga Filipino senior citizen dito o sa abroad man naninirahan.     CONDE BATAC

Comments are closed.