TIYAK na babaha ang cash incentives sa hanay ng mga atletang Pinoy na sumasabak sa Tokyo Olympics, partikular ang mga Pinoy boxer na dalawa sa mga ito ay nakasisiguro na ng medalya, at ang nag-iisang pambato ng bansa sa pole vault dahil sa pagkakaroon din nito ng malaking pag-asang makasungkit ng medalya sa quadrennial meet.
Kasabay ng kanyang pagbibigay papuri at panalangin na tuluyang masungkit ng naturang mga atleta ang medalyang ginto at madagdagan ang mailap na medalya na unang nakopo ni weightlifter Hidilyn Diaz, hinimok ni Deputy Speaker Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian ang pamunuan Philippine Sports Commission (PSC) na tiyaking matatanggap ng lahat ng Filipino podium finishers ang cash incentives ng mga ito sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Paalala pa ni Gatchalian, alinsunod sa itinatakda ng batas, bukod sa mga atletang Pinoy na makapag-uuwi ng medalya sa Olympics, ang kanilang coach ay dapat ding pagkakalooban ng pamahalaan ng kaukulang benepisyo at cash incentives.
“Our athletes have made our country proud and incentives provided to them by law is a token of our gratitude for the honor they bring us, and the PSC should ensure that the incentives for our winning athletes are given in a timely manner,” sabi ng House Deputy Speaker.
“The accolade for the record-breaking medal of Diaz, the first gold for the Philippines in a century, is because of her hard work and dedication,” dagdag ni Gatchalian.
Ayon sa Valenzuela City lawmaker, “the coaches of winning athletes in the Olympic Games shall also be entitled to cash incentives if they have personally trained the athletes or teams who won at least six months prior to the international competition.”
“The coaches of the winning athletes and teams are entitled to receive 50% of the cash incentives for gold, silver, and bronze medalists. If there is more than one coach, the cash incentives shall be divided among themselves,” paliwanag pa niya.
Sa ilalim ng RA 10699, ang gold medal finisher ay bibigyan ng P10 million cash incentive habang P5 milyon sa silver medalist at P2 milyon sa bronze medalist. Iba pa ang pangako at nais na ibigay na pabuya ng nasa pribadong sektor.
Simula noong Sabado hanggang kahapon ay nakapagtala ng impresibong panalo sa kani-kanilang laban sina Pinay featherweight boxer
Nesthy Petecio, men’s flyweight fighter Carlos Paalam at Pinoy middleweight slugger Eumir Marcial, habang pumasok naman sa finals si Filipino pole vaulter Ernest John Obiena.
Si Petecio, na naitala ang split decision win kontra Italy’s Irma Testa sa kanilang semi-finals bout, ay sigurado na sa silver medal at maaaring makuha ang ginto sa finals match, habang si Paalam ay didiretso sa quarterfinals round kung saan si Marcial, na muling nakapagtala ng first round stoppage, ay tiyak na ang bronze finish.
Si Obiena naman ay malaki rin ang tiyansa na makadagdag sa medal haul ng bansa. ROMER R. BUTUYAN
765167 571918Nice read, I just passed this onto a colleague who was performing some research on that. And he really bought me lunch as I found it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 555056
754398 30201I come across your webpage from cuil and it is high quality. Thnkx for giving this sort of an incredible article.. 977665
6213 41465The planet are actually secret by having temperate garden which are generally beautiful, rrncluding a jungle that is certainly surely profligate featuring so several systems by way of example the game courses, golf method and in addition private pools. Hotel reviews 203332